MARINCasters SCHEDULE

 

THESE ARE THE DJs SCHEDULE IN EFFECT (MANILA TIME BASED)


DJ Puyat - 12:00 am to 2:00 am , DJ Layas - 2:00 am to 6:00 am

DJ Mich - 6:00 am to 5:00 pm , DJ Lungat - 5:00 pm to 7:00 pm

Tito Otep - 7:00 pm to 9:00 pm , DJ Rikss - 9:00 pm to 12:00 am

                            DJ KRIZ - Anytime or weekends


FOR ANY QUERIES PLS CONTACT LADYLIBERTY/MICHELLE. THANKS

MAKINIG NA!
MASUYONG PAALAALA

ANG PAGLALAGAY AT PAGBABAHAGI NG PERSONAL INFORMATION AT DETAILS  (NG WALANG PAHINTULOT MULA SA MAY-ARI NITO) SA WEBSITE AY HINDI PINAPAYAGAN,  ANG MGA  MENSAHE AY MAARING MABURA NG WALANG PASABI AT MA-BAN ANG SINUMANG LALABAG AT AABUSO. 

ANG BIRUAN AY MASAYA KUNG HINDI ITO OPENSIBA, ISIPIN MUNA ANG MGA SALITA BAGO SABIHIN. MAAARING MAKASAKIT. MAG-INGAT. SALAMAT PO AT MALIGAYANG PAKIKINIG SA RM.

MAHALAGA ANG INYONG FEEDBACK

   

 KAILANGAN NAMIN ANG INYONG FEEDBACK PARA SA PATULOY NA PAGPAPAGANDA NG AMING SERBISYO SA INYO. 

KUNG MAY NAPAPANSIN KAYONG KAILANGANG MAIWASTO O MGA MAGAGANDANG GUSTO NINYONG PURIHIN.

SA ANUMANG FEEDBACK, KOMENTO, SUHESTYON O IDEYA PAKIEMAIL NA LAANG PO SA : radyomarinduque@yahoo.com

WAG MAG ALALA, ANG INYONG ADDRESS AY HINDI MALALANTAD SA PUBLIKO AT MANANATILING LIHIM ANG INYONG KATAUHAN.

 

SALAMAT PO

  

Ipakita mo kung nahan ka sa MUNDO :)
RADYO MARINDUQUE CHAT - BABALA NAKAKAADIK! (inappropriate words not allowed)

Get MARINDUQUE chat group | Goto MARINDUQUE website
MARINCASTERS: DJ LAYAS, DJ MICH (aka DJ GANDA), DJ RIKS, DJ PUYAT, TITO OTEP, DJ LUNGAT, DJKRIZ

PROGRAM SKED:  ARAW ARAW NA PO KITA! MAKINIG LAANG DINI. MGA MATITIKAS AT NAMANG DALDAL NA MGA MARINCASTERS :)

Inaanyayahan po ang lahat ng Taga-Marinduque, maging ang mga kaibigan na taga ibang lugar na sumubaybay sa ating munting ONLINE RADIO Tambayan.

Maari rin ang mga usapang kahit ano "under the sun". Mga kakikayan ay pwede rin at mga suhestyon at mga ideya.

Meron din po tayong LIVE CALLS & GREETINGS. Tumawag laang kayo sa USING SKYPE (account details available from current DJ on board).

Maari rin tayong humawak ng mga panayam (live interview), tsikahan at mag-moderate ng debate on air. Maari rin kayong magdonate ng kahit ilang maari nating gamitin sa pagsasaayos ng ating tambayan. Mas maayos na tambayan, mas masarap puntahan di baga? Mas maraming uouan, mas maraming makakapag-stay. FEEL AT HOME!

Kung may mga katanungan mag-email laang sa : radyomarinduque@yahoo.com

PARNA NA KAYO! BUHAYIN NATIN ANG NAKALIPAS :)

LET US UNITE MARINDUQUENOS (and their loved ones) THRU MUSIC AND LIGHT TALKS AND DISCUSSIONS :)

Maligayang Pagdating sa Ating Tambayan

Dini kita mag-ingay. Walang magapambatong kapitbahay. Kaso ngani'y walang tagay. Usapan laang ang bagay. Kahit walang tulog at maglamay. Hatid naman ay buhay. Kung miss mo na ang Marinduque. At sa malayong bayan ika'y nagalagi Maglaog ka man daw sabi. Mauwi ka din naman dini.

Naalala ko pa nong araw. Sa kanal kami nagasawsaw. Pag-uwi galing iskul sakay sa kalabaw. Pag wikend naman sa ilog ang dalaw. Sabi ng matatanda wag daw magababad. Marami na raw ang hindi pinalad. Naanod ng agos at napadpad. Aywan pa-a kung namatay nang dilat.

Nagalaro ng patubig sa gab-i. Ang liwanag ng buwan laang ang kakampi. Sigawan mandi'y kakabingi. "Tulog na kayo!" si mader ang sabi. May tumbang preso at syato at titso. Isa, dalawa, hanggang sampu dapat nakatago. May keleng keleng kumbento, lugos pati dahon ng bayabas ni lolo. Palo sa pwetan o kaya'y kuriyot ang premyo.

Umaga na, tayo na, ang sayawan ay tapos na. Walang serbis na mapara, galakad kang mag-isa. Sumabay ka sa kanila. May kanya-kanyang silang dala. Lag-ing yari sa kayakas nagalagablab ang lingas. Dali-dalia't mapapaspas, makauwi ka nang ligtas. Pagtapat sa punong malaki. May aswang daw dyan, sabi. takbo mandi at karipas. At nalabit ang tsinelas.

Pag uwian na at sembrek. Kainamang punuan na sa transit. Kahit sa bintana ay mapanhik. Makasakay laang, yan ang isip. Batel pa noon ang sasakyan. Namang bagal mandin naman. Limang oras yata ang tagal. Lukad pa ang 'yong sandalan. Tingnan mo ngayon erap. May ro-ro na't mga pas krap.

Noong araw pag may kuto ka. Magpatiris na parna. Yung punong bulak iyong kita? Kuto daw do'y alipad ka.Sa albukan pag bakasyon. Teks dito at teks doon. TODO! kasama ang pamato't panabla. Sabay kita sa 'king mata. Andya't inasuson na, may madre kakaw na sanga. MAUWI NA PO MAMA!

Pagpasok sa pintuan. Kagkag dito kagkag diyan. Anong kating karanasan. May galis na kinabukasan. Hindi laang naman galis. May batuktok ding kapares. Pigsang mata'y may hinagpis. Anong sarap pag tiniris. May kasama pang busa. Mandi'y saliw nireng kanta. Pag ikaw pa da'y ngumawa. ang sabi pa'y PAG-IGIHA!

Yan laang yong ailan. Sa namimiss kong tinuran. Mga prutas don sa parang. Pati magbaril barilan. Palapatik at sumpitan. Batungol don sa manggahan. Kalaro laro ng SIMATAR. Ang kabayo ay kawayan. Nahan na kaya ang mga panahon. Maiibalik pa kaya ang kahapon. Mga tao'y inalamon. Ng bisyo at pagkagumon. Iba ngani yong noon sa ngay-on.

Balik as katotohanan. Kung ano laang ang madatnan. Gaw-in na laang ipagyaman. malay natin maswertehan. Kung sama-sama't pagtulungan. Tingni ang bigkas ng walisan. Namang kisig mandin naman. Imbes na mauyamot. Sa kumot ay mamaluktot. Ba't di kita makilahok. At ipakita nang lubos. Kaya manding itaguyod. Kung lahat tayo ay makilos.

MARINDUQUE naming lupa. Kami'y sa iyo pagkabata. Ngayo't may-isip nang kusa. Ka0mi as iyo'y gaaruga. Mga isla mong luntian. Baybaying kislap buhanginan. Walang gulong nakagisnan. Walang polusyong karamdaman. Nagabalikan kaming tanan. Upang ika'y pagsilbihan. Sa abot ng kakayanan. Nahandini't kapit-kamay.

MGA MARINDUQUENO SA BUONG MUNDO MAGKAISA!

Mga Kasangga't Kapitbahay
amor
Joined: 5 Hours Ago
Sayao Mogpog
Joined: 6 Hours Ago

This website is powered by the Spruz Social Platform